Lalaki na Wanted sa Batas, Huli sa Gamu, Isabela!

61

Cauayan City, Isabela- Arestado ng mga otoridad ang isang magsasaka na wanted sa batas matapos isilbi ang warrant of arrest nito sa Brgy. Songsong, Gamu, Isabela.

Kinilala ang akusado na si Hanival Cabaltica, 41 anyos, walang asawa at residente rin ng naturang barangay.

Dakong alas 4:45 ng hapon, Pebrero 24, 2020 nang madakip si Cabaltica sa bisa ng mandamiento de aresto na ipinalabas ni hukom Angerico B. Ramirez ng MCTC 11th Municipal Circuit Trial Court Gamu-Burgos dahil sa kanyang kasong Acts of Lascivousness.

Pansamantalang makakalaya sa kulungan ang akusado kung makakapag piyansa ng halagang Php36,000.00.

Facebook Comments