Lalaki na Wanted sa batas, huli sa Naguilian, Isabela!

270

*Cabagan, Isabela- *Arestado ang isang tricycle driver matapos isilbi ang Warrant of Arrest nito sa Brgy. Palattao, Naguilian, Isabela.

Kinilala ang naaresto na si Froilan Remigio, 46 anyos, may-asawa at residente ng nabanggit na lugar.


Sa nakuhang kaalaman ng RMN Cauayan, inaresto ng mga kasapi ng PNP Naguilian si Remigio sa bisa ng mandamyento de aresto na ipinalabas ni hukom Ferdinand Dalpig ng 5th MCTC, Naguilian-Reina Mercedes, Naguilian, Isabela dahil sa kasong Attempted Homicide.

Dinala na sa Naguilian Police Station ang suspek para sa kaukulang dokumentasyon at pansamantalang makakalaya kung makakapaglagak ng kanyang piyansa na anim na libong piso (P6,000.00).

Facebook Comments

From Advertisers