Lalaki na Wanted sa Batas, Kalaboso!

*Naguilian, Isabela- *Timbog ang isang lalaki na wanted sa batas nang maisilbi ng mga kasapi ng Naguilian Police Station ang warrant of arrest nito sa Brgy. Surcoc, Naguilian, Isabela.

Kinilala ang akusado na si Pedro Dela Cruz Jr., nas ahustong gulang at residente rin ng Brgy. Surco, Naguilian, Isabela.

Batay sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan, hinuli si Dela Cruz sa bisa ng mandamiento de aresto na ipinalabas ni judge Ferdinand Dalpig ng MCTC- Naguilian-Reina Mercedes, Isabela dahil sa kasong Direct Assault.


Nasa pag-iingat na ng Naguilian Police Station ang akusado para sa kaukulang dokumentasyon at anumang araw ay ipapasakamay ito sa court of origin nito.

Makakalaya lamang pansamantala si Dela Cruz kung makakapag piyansa ng halagang P18,000.00.

Facebook Comments