Lalaki na Wanted sa Batas, Natimbog

22

*Cauayan City, Isabela*- Arestado ang isang lalaki matapos isilbi ng mga otoridad ang warrant of arrest nito sa Brgy. Divisoria Norte, Maddela, Quirino.


Kinilala ang akusado na si Benjie Agpalza, 44 anyos, may asawa at residente ng Brgy. Panang, San Agustin, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan mula sa PNP San Agustin, dinakip si Agpalza sa bisa ng mandamiento de aresto nito na ipinalabas ni kagalang galang hukom Donabel Balot, Presiding Judge of 2nd Judicial Region, 1st MCTC, Aglipay-Saguday para sa kasong RIR to Serious Physical.

Inirekomenda naman ng korte ang pansamantalang kalayaan nito kung makakapaglagak ng piyansang nagkakahalaga ng (P20,000.00).

Sa nagyon ay nasa kustodiya pa rin ng pulisya ang nasabing akusado upang harapin ang kaso laban dito.

Facebook Comments