Lalaki na Wanted sa Kasong 3 Counts of Rape, Huli sa Cagayan

Cauayan City, Isabela- Bagsak na sa kulungan ang isang lalaki na Top Most Wanted Person ng WCPD Region 2 sa kasong panggagahasa matapos itong makorner ng mga otoridad sa San Vicente, Sta Ana, Cagayan.

Matapos ang 10 taong pagtatago sa batas, nadakip rin ng mga otoridad ang akusado na kinilalang si Freddie Castillo, 44 years old, may-asawa, laborer at residente ng Barangay San Vicente sa nasabing bayan.

Dinakip si Castillo sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni hukom Gil L. Valdez ng Regional Trial Court Branch 29, Bayombong, Nueva Vizcaya para sa kasong tatlong (3) beses na panggagahasa.


Walang inirekomendang piyansa ang korte sa kaso ni Castillo para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya, nangyari ang pananamantala ni Castillo noong Setyembre 30, 2001 ng gabi sa Barangay San Luis, Diadi, Nueva Vizcaya kung saan unang pinagbantaan ng suspek ang 16 taong gulang na biktima at pinuwersang makipagtalik ng tatlong beses sa dalagita.

Facebook Comments