Naaresto ng mga operatiba ng Rosales Municipal Police Station ang isang 36 anyos na construction worker sa bisa ng Alias Warrant of Arrest (WOA) para sa kasong Frustrated Homicide.
Kinilala ang akusado bilang isang may-asawa at residente ng Rosales, Pangasinan. May nakalaang 24,000 pesos na piyansa para sa kanyang pansamantalang paglaya.
Matapos ang matagumpay na operasyon, dinala ang akusado sa himpilan ng Rosales MPS kung saan siya kasalukuyang nasa kustodiya habang hinihintay ang pag-usad ng kanyang kaso.
Patuloy namang nagpapaalala ang pulisya sa publiko na makipagtulungan sa mga awtoridad upang agad na mapanagot ang mga indibidwal na may kinakaharap na kaso o pending warrant of arrest.
Facebook Comments









