Lalaki na Wanted sa Mallig Isabela, Arestado sa City of Ilagan!

City of Ilagan, Isabela – Matagumpay na naaresto ng kapulisan sa City of Ilagan ang isang lalaki na wanted sa bayan ng Mallig Isabela.

Kinilala ang akusado na si Johnmar Agudong, bente anyos at residente ng Brgy. Sta. Isabel Sur, City of Ilagan, Isabela.

Si Agodong ay nahuli sa bisa ng ikinasang warrant of arrest na ipinalabas ni hukom Precious Lovely Olivia Sales-Jao ng MCTC 2nd Judicial Region, Mallig Isabela dahil sa kasong Reckless Imprudence Resulting to Homicide.


May inirekomendang piyansa kay Agudong na tatlumpung libong piso (Php 30,000.00) para sa kaniyang pansamantalang kalayaan.

Facebook Comments