LALAKI, NAAKTUHANG GUMAGAMIT NG SHABU, ARESTADO

CAUAYAN CITY – Sa kulungan ang bagsak ng isang lalaki matapos itong na aktuhang gumagamit ng iligal na droga sa Purok 1, General Aguinaldo, Ramon, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng ifm news team sa PNP Isabela, isinuplong ng isang concerned citizen ang suspek na kinilalang si Alyas Long, matapos umano itong makitang nag papot session sa isang maliit na bahay sa nabanggit na barangay.

Agad namang tumulak sa lugar ang pulisya at dito positibong nadatnan ang suspek.


Nakuha mula rito ang isang pakete ng hinihinalang shabu; sachet na may residue ng hinihinalang shabu; drug paraphernalia; at non-drug items.

Kasalukuyan na ngayong nakapiit sa istasyon ng PNP Ramon ang suspek at mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments