Lalaki nabangga ng truck sa Maynila

31

Manila, Philippines – Matinding pinsala sa ulo ng hindi pa nakikilalang lalaki katapos mabangga ng trailer truck sa Taft Avenue corner Padre Faura alas dos y medya kaninang madaling araw.

Duguan ang ulo ng lalaking biktima na nakasuot ng kulay itim na damit at short

Sa inisyal na imbestigasyon tumatawid ang lalaki ng mabangga ng truck base na rin sa kwento ng isang saksi.

Ayon naman sa driver ng truck na si Antonio Fajardo, galing silang Balut Tondo papuntang Carmona Cavite para mag-pick up ng mga tinitindang damit nang makarinig sila ng kalabog.

Huminto sila at pinababa ang pahinante na si Edgar Baynosa pero hindi raw nakita ang lalaki.

Pag-alis nila, bigla na lang silang hinabol at doon nalaman na may nabangga pala silang tao.

Kasong Reckless Imprudence Resulting in Physical Injuries ang kakaharapin ng driver.

Nabatid naman na bawal dumaan ang truck sa pinangyarihan ng aksidente.

Facebook Comments