Lalaki, Nadakip sa Ikinasang Drug Buy Bust Operation!

Alicia, Isabela – Nadakip ang isang lalaki matapos maglunsad ng drug buy bust operation ang pinagsanib pwersang PDEA RO2, Isabela Police Provincial Office Drug Enforcement Unit at Alicia Police Station sa Brgy. Antonino, Alicia, Isabela.

Kinilala ang nadakip na si Mark Barnal alyas Nognog, 23 taong gulang, walang asawa at residente ng Minante 1, Cauayan City, Isabela.

Naaktuhan si Barnal na nagbenta ng apat na plastic ng shabu sa nagpanggap na buyer na isang opisyal ng kapulisan.


Nakuha kay Nognog ang isang libong piso bilang marked money at isang kalibre trentay otso na may limang bala.

Dinala agad si Barnal sa Alicia Police Station maging ang mga ebidensya na shabu at baril para sa kaukulang disposisyon.

Facebook Comments