Lalaki nag-amok sa isang condominium sa Pasay City kagabi; 4 patay, 5 sugatan

Pasay, City – Hindi na nakababa ng buhay mula sa 25th floor ng gusali ang lalaki na nag-amok at pinagsasaksak ang lahat ng makasalubong sa Central Park Condominium Brgy. 137 zone 13 Pasay City.

Nakilala ang suspek na si Robert Garan, dayo lamang sa lugar at taga Cagayan Valley.

Ayon kay NCRPO Director Oscar Albayalde, nakatanggap sila ng impormasyon na mula sa 16th floor tumakbo paitaas ang nagtatagong suspek.


Lahat ng tenant ng condominium ay pinapunta sa function room habang sinusuyod ng pulis lahat ng unit.

Pagdating ng 22nd floor nakita ang suspek sa isang madilim na lugar at dahil sa nanlaban ang suspek, napatay ito ng mga awtoridad.

Sa initial na imbistigayon nagsimula ang karumaldumal na krimen, sa away lamang ng magkasintahan.

Alas 6:30 ng magtalo ang dalawa na nauwi sa pananaksak kung saan hindi pa nakuntento ang suspek at inihulog mula sa 16th floor ang girlfriend.

Habang tumatakas si Garan may nakasalubong pa itong grade 6 student na babae at pinatay din sa saksak.

Bukod sa kanila, meron pang dalawa na napatay at 5 na isinugod sa pinakamalapit na pagamutan.

Palaisapan pa ang pinagmulan ng galit ng nagwalang suspek.

Facebook Comments