Lalaki, Nagbigti Matapos Iwan ng Kanyang Live-in Partner

19

Cauayan City, Isabela- Natagpuang wala nang buhay ang isang lalaki matapos na magbigti sa Brgy. San Jose, San Mariano, Isabela.

Dakong alas 5:00 kaninang madaling araw nang makita ang nakasabit na katawan ng biktimang nakilala na si Marlon Cornilio, 24 anyos, walang asawa, helper at residente ng naturang barangay.


Sa ibinahaging impormasyon ng Isabela Police Provincial Office (IPPO), nagtungo sa himpilan ng PNP San Mariano ang kapit bahay ng biktima na si Marlon Velarde at iniulat ang nakitang insidente.

Ayon sa isa pang kapit-bahay ng biktima na si Marilyn Ayson, 51 anyos, nadiskubre nito ang nakabigting katawan ng biktima gamit ang isang tie wire na itinali sa maraming bakal sa ikalawang palapag ng kanyang bahay.

Nabatid na ang biktima ay nakakaranas ng depresyon simula nang iwan siya ng kanyang ka live-in partner.

Facebook Comments