LALAKI NAGBIGTI PATAY SA PUNO NG PIYAPI

Kalibo, Aklan — Wala nang buhay ang isang 59 gulang na lalaki matapos magbigti sa puno ng piapi sa Brgy. Dumaguit, New Washington Aklan.
Base sa New Washington PNP, nqtagpuan ang bangkay ng biktima dakong 9:40 kaninang umaga na nakasabit sa nasabing puno malapit sa ilog.
Problema sa pamilya naman ang tinitingnang motibo ng mga otoridad na dahilan ng pagpapatiwakal ng biktima.
Ayon sa mga kaanak ng biktima na nagsasabi umano ito na hindi na makayanan ang kanyang problema.
Napag-alaman na nagtatrabaho ang biktima malapit sa lugar.
Sa ngayon nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad patungkol sa insidente kung saan kasalukuyang nasa pangangalaga ng isang punerarya ang bangkay nito.
(Paunawa, minabuting hindi na pangalanan ang biktima dahil sensitibo ang mga kaso ng pagpapatiwakal kagaya nito)

Facebook Comments