Lalaki, Nagbigti-Patay

Cauayan City, Isabela- Patay ang isang lalaki makaraang magbigti sa bayan ng Camalanuigan, Cagayan.

Kinilala ang nasawi na si Erwin Usal, 46 taong gulang, residente ng brgy. Minanga sa bayan ng Camalanuigan.

Sa impormasyong ibinahagi ng PNP Camalanuigan, batay sa salaysay ng pamilya ng biktima, hindi na nila makausap ng maayos at normal ang nasabing lalaki simula pa noong buwan ng Hulyo ng kasalukuyang taon.


Madalas din umano na nagkukulong lamang sa kwarto ang biktima simula ng hindi na ito nakikipag usap.

Ngunit, natagpuan na lamang ng isa sa mga anak ng biktima noong Disyembre 15, 2020 na nakabigti ang katawan nito gamit ang electrical cord.

Dinala pa sa ospital ang biktima subalit idineklarang dead on arrival ng umasikasong Duktor.

Facebook Comments