Lalaki, nagising habang sinisipsip ng nanghimasok sa bahay ang kanyang daliri sa paa

18888

FLORIDA, United States — Hindi maganda ang gising ng isang lalaki noong bisperas ng Pasko matapos tumambad sa kanya ang hindi kilalang lalaking sumisipsip sa mga daliri niya sa paa.

Sinabihan umano ng biktima sa estranghero na wala siyang pera, ngunit sumagot ito na naroon siya para sumipsip ng daliri sa paa, ayon sa ulat ng Manatee County Sheriff’s Office.

Nauwi sa pag-aaway ang dalawang lalaki kung saan tinangka umano ng suspek na hilain ang ari ng biktima.


Nagbanta rin ang kriminal na may dalang baril, ngunit wala namang inilabas, ayon sa pulisya.

Binasag ng salarin ang bintana sa bahay at giniba ang windshield ng kotse ng may-ari bago tuluyang umalis.

Tinitingnan na ang DNA na nakuha sa paa ng biktima upang hanapin ang suspek.



Facebook Comments