Lalaki, nagkunwaring bakla para mang-akit, maghalay ng babae

ATLANTA. Georgia – Nahatulan ang 36-anyos lalaki matapos itong magpanggap na bakla para maakit at mahalay ang isang babaeng nakasakay niya sa tren.

Nangyari ang insidente noong Setyembre 2015 nang una raw makita ni Taurence Callagain ang hindi pinangalanang biktima sa Metropolitan Atlanta Rapid Transit Authority station at doon nagkakilala batay sa inilabas na pahayag ng piskal.

Ayon kay Attorney Paul Howard ng Fulton County District, nagkaroon umano ng palitan ng cellphone numbers ang dalawa.


Dagdag niya, isang lesbian ang biktima na mayroon ding kinakasama nang makilala ito ni Callagain.

Nakuha raw ng suspek ang loob at tiwala ng biktima sa pamamagitan nang pagpapaniwala rito na isa siyang bakla at hindi interesado sa mga babae.

Hanggang isang gabi nang wala nang masakyang bus ang biktima, dito na nagkmaroon ng pagkakataon si Callagain na isagawa ang krimen.

Inalok daw nito ng sakay pauwi ang biktima para maihatid ngunit una munang nagpasya na saglit na tumigil sa bahay ng suspek para sa marijuana.

Dito na ginawa ni Callagain ang krimen at sapilitang ginahasa ang babae.

Tinakot pa raw ng suspek ang babae at sinabing tatawagin niya ang iba pang kasamang lalaki para hawakan ito kung sakaling magpumiglas at manlaban.

Matapos ang insidente, nakatakas ang biktima mula sa bahay ng suspek at masuwerteng nakatakbo pauwi sa kanila.

Humaharap sa reklamong ‘aggravated assault’ si Callagain na naiulat namang walang anumang criminal history.

Kasalukuyan ding inaayos ang petsa nang pagse-sentensya sa kanya ayon kay Howard.

Facebook Comments