Lalaki, nagpakamatay dahil sa matinding sakit ng ngipin

Natagpuang nakabigti ang isang 38-anyos na lalaki sa loob ng kanyang tinutuluyang apartment sa Southampton, England dahil sa pananakit ng ngipin.

Kinilala ang biktima na si Anthony Hoskins, na ilang buwan na umanong pinahihirapan ng sakit ng ngipin ayon sa kanyang inang si Shirley.

Kwento nito, nagtataka raw siya dahil ilang araw na walang paramdam ang kanyang anak kaya humingi na siya ng tulong sa pulisya.


Nang bisitahin ng awtoridad ang apartment na tinutuluyan ng biktima, dito na tumambad ang wala ng buhay na si Anthony.

Sa ulat ni Officer Simon Collins, isang resibo na naglalaman ng 3, 890 dolyar ang sinasabing winithraw ni Anthony ang natagpuan malapit sa bangkay nito.

Lumalabas rin sa imbestigasyon na ilang araw umanong nagmakaawa ang biktima ng mas marami pang overtime.

Sa karadagdagang salaysay ni Shirley, nasa waiting list na ang kanyang anak para bunutan ng ngipin ngunit aabot pa ng ilang linggong paghihintay, matapos itong magreklamo ng pananakit ng ngipin.

Dito siya nagsimula umanong mag-ipon ng pera para mapabunutan sa isang pribadong ospital ang anak at pinangakong maikling panahon lang ang kanilang hihintayin.

Gabi-gabi rin daw ang pag-inom ng painkillers at whiskey ng anak para maibsan ang sakit na nararamdaman nito.

Sabi ni Shirley, “Anthony was just a normal man who got on with life.”

“He enjoyed playing computer games and had no financial problems. His rent was always paid, along with other utilities and he would see me weekly,” dagdag pa niya.

Labis naman ang pangungulila ni Shirley sa anak na sinabi pang hindi na raw ito makakaramdam ng sakit kahit kailan.

“The really sad thing is that it cost me almost the same amount of money to pay for his death that it would have to have private dental treatment,” saad nito.

Isang pahayag naman ang inilabas ni Dr. Gabriella Day ng Burgess Road Surgery na nagsasabing huling beses raw na dumalaw si Anthony sa kanya ay noon pang nakaraang taon dahil sa sakit ng ngipin.

Facebook Comments