Lalaki, Nagpakamatay Dahil Umano sa Depresyon!

Cauayan City, Isabela- Patay ang isang lalaki matapos nitong kitilin ang sariling buhay sa Brgy. San Andres, Sanchez Mira, Cagayan.

Kinilala ang nagbigti na si Edgar Galapia, 57 anyos, jobless at residente ng nabanggit na barangay.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, Marso 4,2020 nang huling dalhin sa isang ospital sa Ilocos Norte ang biktima para sa kanyang regular check-up dahil sa nararanasang depresyon.


Umuwi ang biktima sa kanilang bahay kahapon, Marso 11,2020 kasama ang kanyang kamag-anak at nang mananghalian ang biktima sa bahay ng kanyang pinsan na si Venessa Rapal Pascua ay paulit-ulit umanong sinasabi ni Galapia na pagod na ito sa kanyang sitwasyon.

Pinayuhan pa umano ng kanyang pinsan ang biktima na huwag isipin ang kanyang problema bagkus ay labanan niya ito.

Bandang 3:30 ng hapon kahapon ay natagpuan na lamang ng pinsan nito na si Fritz Ryan Gattu na nakabitin na ang katawan ng biktima partikular sa kanilang dining area.

Agad na humingi ng saklolo si Gattu hanggang sa natanggal ang lubid na itinali sa leeg ng biktima. Nadala pa sa ospital ang biktima subalit idineklara itong dead on arrival (DOA).

Facebook Comments