Lalaki, nagpanggap na modeling agent para makapanghalay ng babae

Nagkunwaring modeling consultant ang isang lalaki sa social media upang makapang-abuso ng batang babae sa Texas, US.

Umamin si Joel Christopher Acuna, 27, na hinalay niya ang 14-anyos na biktima na nakilala niya sa video-sharing platform na Likee, ayon sa League City Police.

Sumuko sa pulisya ang suspek nitong Martes matapos isapubliko ng awtoridad sa Facebook ang ginawa niyang krimen, ayon kay Officer John Griffith, sa ulat ng New York Post.


Batay sa salaysay ng biktima, kinausap siya online ni Acuna na nagpakilalag babaeng model agent.

Binigay ng dalagita ang kanilang tirahan sa pag-aakalang personal siyang sisiyasatin ng modeling company.

Dumating sa bahay ng biktima si Acuna at doon pinagsamantalahan ang dalagita.

Sinampahan ng aggravated sexual assault ang suspek.

Facebook Comments