Lalaki, nagreklamong may marijuana sa biniling tsaa sa McDonald’s

2239

Naging “kasing taas ng saranggola” raw ang pakiramdam ng isang lalaki sa South Carolina matapos makatanggap ng dagdag na sangkap sa biniling tsaa sa McDonald’s.

Sinasabi ni Parrish Brown na pumunta siya sa McDo sa Hilton Head para bumili ng chicken nuggets, cheeseburger, at sweet tea na may kaunting yelo at dagdag na lemon.


Naniniwala ngayon si Brown na inakala ng mga nasa fast-food chain na ang “extra lemon” ay code para sa marijuana.

Tatlong pakete umano ng damo ang nakita niya nang buksan ang iniinom.

Hindi pa raw nakasubok ng marijuana si Brown kaya hindi niya nakilala ang lasaat nalaman lang nang nag-iba na ang kanyang pakiramdam.

Muling sinuri ang resibo at wala namang nadagdag sa regular na presyo ng mga pinamili niya.

Naglunsad na ng imbestigasyon kaugnay ng insidente at ayon sa isang kinatawan ng McDo, handang makipagtulungan ang kompanya rito.

Facebook Comments

From Advertisers