Shintomi, Japan – Isang lalaki mula Japan ang nagtanim ng libu-libong bulaklak sa loob ng halos dalawang taon para sa asawang bulag.
Ayon sa report, si Mr. and Mrs Kuroki ay kinasal noong 1956 at nabiyayaan ng dalawang anak.
Sa 30-taon ng kanilang pagsasama at pagiging abala sa kanilang dairy farm, nagpasya ang dalawa na magretiro na at ikutin ng magkasama ang buong Japan ngunit sa hindi inaasahang pangyayari, hindi ito natuloy.
Nabulag kasi si Mrs. Kuroki pag tuntong niya ng 52-anyos dahil sa kumplikasyon ng diabetes.
Labis itong ikinalungkot ng mag-asawa at nakaranas pa umano ng depression si Mrs. Kuroki dahil sa hindi natuloy na pangarap ng dalawa.
Naging taong bahay na si Mrs. Kuroki nang mga panahong iyon at dito rin napansin ng kanyang asawa na iilan na lang ang dumadalaw sa kanilang munting garden.
Dito na umano nagdesisyon si Mr. Kuroki na magtanim pa ng mas maraming bulaklak na pinaliligiran ang kanilang tahanan para sa asawa.
Hindi man raw niya madala si Mrs. Kuroki para makita ang mundo, nais niyang ang mundo ang dadalhin niya para rito.
Umabot ng dalawang taon ang ginugol ni Mr. Kuroki sa pagatatanim ang libu-libong bulaklak para maamoy ng kanyang asawa at makapagbigay saya rito.
Ang naturang ay pinalilibutan ng tinatawag na pink shibazakura flowers at makalipas ang ilang taon ay umaabot na sa 7,000 katao ang dumadalaw rito araw-araw.