Lalaki nagulungan ng Bus sa Pangasinan, patay

Patay ang isang lalaki matapos itong magulungan ng bus sa Lingayen Pangasinan.
Kinilala ang biktima na si Lito Atiwen , 48 taong gulang at residente ng Bugallon Pangasinan.
Sa panayam ng iFM Dagupan papuntang Bugallon ang bus na minamaneho ni Raymundo Macalinao at nakasalubong nito ang motor na minamaneho naman ng biktima sa Brgy. Quibaol ng nasabing bayan.
Dahil sa lakas ng salpukan nahulog ang biktima at nagulungan ng bus at nagtamo ng malalang sugat sa ulo.
Agad na itinakbo ang biktima sa pinakamalapit na ospital ngunit idineklarang dead on arrival.
Sa ngayon nasa kustodiya ng PNP Lingayen ang biktima at nakatakdang kasuhan ng kaukulang kaso.

Facebook Comments