Lalaki nahulihan ng armas at droga sa search warrant operation sa bayan ng Makilala North Cotabato

Isang lalaki ang nahulihan ng dalawang armas at droga sa inilunsad na search warrant operation sa Purok Talisay, Brgy. Malasila sa bayan ng Makilala sa lalawigan ng North Cotabato.
Isinagawa ang operasyon batay sa ipinalabas na search warrant operation na inisyu ni Hon Arvin Sadiri Balagot, ng RTC Branch 17 laban sa target suspect na si Jim Rulona na my kinalaman sa paglabag sa RA 9165.
Narekober ng raiding team ang dalawang pakete ng shabu, mga drug paraphernalia at dalawang unit ng shotgun na may 22 bala at isang granada.
Nanguna sa inilunsad na operasyon ang Cotabato Police Provincial Office katuwang ang Makilala Municipal Police Station sa pangunguna ni Police Chief Inspector Jhon Rick Felongco Medel
Nasa kostodiya ngayon ng Makilala Pnp ang naarestong suspect.(Amer Sinsuat)

Facebook Comments