Lalaki, nahulihan ng droga matapos lumabag sa home quarantine sa QC

Kahit may Enhanced Community Quarantine (ECQ), ayaw paawat ang ilan sa kanilang aktibidad na may kaugnayan sa illegal drugs.

Arestado ang isang 47-anyos na si Manuel Escamilla ng Barangay Tatalon matapos mahulihan ng droga ng operatiba ng La Loma Police Station.

Sinita si Escamilla sa isang check point sa Don Pepe St., Corner Ma. Clara Street, Barangay Sto. Domingo dahil sa paglabag sa home quarantine.


Sa halip na huminto para masiyasat, tumakbo si Escamilla na nauwi Sa habulan.

Nang abutan siya ng nagrorondang Barangay tanod, dito na siya kinapkapan at nakuha sa kaniyang pag-iingat ang isang sachet ng shabu.

Kakasuhan si Escamilla ng paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Payo no QPCD Director Ronnie Montejo, huwag nang lumabas ng bahay kung hindi importante upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

Facebook Comments