Arestado ang 39-anyos na lalaki sa isinagawang buy-bust operation ng Urdaneta City Police Station katuwang ang Philippine Drug Enforcement Agency – Regional Office 1 sa Diversion Road, Brgy. Camantiles, Urdaneta City.
Ang suspek ay Isang driver at residente sa lungsod. Nakuha sa kanya ang walong gramo ng hinihinalang shabu na may tinatayang halaga na PhP54,400.00 at 65 gramo ng pinatuyong dahon ng marijuana na may tinatayang halaga na PhP7,800.00.
Nakuha rin sa suspek ang isang caliber-38 revolver.
Nakulong ang suspek sa Urdaneta City Police Station at mahaharap sa reklamong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act at Election Gun ban. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments