Lalaki nahuling nanloob ng bahay nang naka-bra, panty lang

972
Twitter/El Dorado Sheriff

Nasa kustodiya na ng awtoridad ang isang lalaki sa California na umano’y nanloob ng bahay nang bra at panty lang ang suot.

Inaresto noong Sabado ang kinilalang si Shaun McGuire, 37, hindi permanenteng residente ng El Dorado Hills kung saan nangyari ang insidente.


Ayon kay Matthew Eschrich, may-ari ng bahay, nadatnan niyang may tao sa loob ng kanilang garahe noong nagising siya sa kalagitnaan ng gabi.

Tinawag ng may-ari ang lalaking inakalang kasamahan lang sa bahay, ngunit napagtantong magnanakaw ito nang makarinig ng mga kalabog.

Agad umakyat si Eschrich sa kanyang mag-ina saka tumawag sa 911 at sa parehong oras, nakatanggap siya ng tawag mula sa kanyang kapatid na nakakita sa suspek.

“Oh my God, there is somebody who just ran out of the garage, and he is wearing just [a] bra and panties,” sambit umano ng kapatid.

Nahaharap sa patong-patong na kasong kriminal kabilang ang pagnanakaw, trespassing, at indecent exposure si McGuire, ayon sa tagapagsalita ng El Dorado County Sheriff.

Plano naman ni Eschrich na maglagay na ng mas epektibong security system at mag-ampon ng aso para sa dagdag na proteksyon.

Facebook Comments

From Advertisers