Lalaki, nahulog sa condo dahil sa pagseselfie!

Manila, Philippines – Patay ang isang lalaki matapos mahulog satinutuluyan nitong inuupahang condominium unit sa barangay Laging Handa, QuezonCity.
 
Sa ulat, nagtungo ang biktimang si Enrique Dehesa, 24-anyos, saunit ng kaibigan na nasa ika-siyam na palapag ng gusali kung saanpansamantalang naka stay-in ang girlfriend ng biktima.
 
Lumalabas na nakainom umano ang biktima nang dumating sa nasabingcondominium.
 
Naghubo’t hubad ang biktima at binuksan ang bintana at lumabaspara mag-selfie.
 
Pinigilan pa ang biktima ng kanyang kasintahan at kaibigan peroaksidente itong nadulas at bumulusok pababa.
 
Wasak ang bungo ng biktima at nagkalasog-lasog ang katawan nitodahilan ng kanyang kamatayan.

Facebook Comments