Lalaki nakumpiskahan ng 20 piraso ng baril sa Maguindanao

Samot saring kalibre ng baril ang nakumpiska maliban pa sa pagkakaareto ng isang indibidwal sa isinagawang operasyon pinagsanib na pwersa ng mga otoridad sa pangunguna ng CIDG ARMM katuwang ang RID PRO ARMM, 1404th RMFC, RMFB 14 at Datu Abdullah Sangki MPS base na rin sa Search Warrant na inisyu ni Hon. Judge Bansawan Z. Ibrahim sa Brgy Banaba, Datu Abdullah Sangki sa Maguindanao pasado alas sais kaninang umaga.

Kabilang sa nakumpiska ng mga ito 12 piraso caliber 45 pistol, 2 armalite rifle, isang AK 47, KG9 Assault Rifle, Garand, Ingram Sub Machine Gun, Caliber 9MM, Caliber 38 Revolver, 2 magasine ng KG9 3 magasine ng AK47, 12 assorted magasines ng armalite, 15 magasine ng 45, 2 magasine ng 9mm , 160 rounds ng ibat ibang bala at 2 binocular.

Kinilala ni CIDG ARMM Spokesperson CINS Allan Uy ang naaresto na si WILLY EVANGELISTA na syang target ng operasyon.


Ang operasyon ay kabilang pa rin sa mas pinalakas na Oplan Paglalansag ng mga otoridad.
PICS CIDG ARMM



Facebook Comments