Nagpapagaling ngayon sa ospital ang isang 39 anyos na pintor matapos na makuryente sa bahagi ng Barangay Ambabaay, Bani, Pangasinan.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, nagpipintura umano ang biktima sa bubong ng isang eskwelahan nang aksidente nitong mahawakan ang live wire na nakalaylay sa isang poste.
Agad naman isinugod ng mga rumespondeng MDRRMO personnel sa pinakamalapit na ospital ang biktima.
Facebook Comments









