Lalaki nakuryente, magsasaka nagbigti sa Midsayap

Dead on arrival sa pagamutan ng Midsayap matapos aksidenteng makuryente pasado alas dose ng tanghali kahapon.

Nakilala ang nasawi na si Jun Lansing, 37 years old at residente ng B arangay Tombras .

Sa report ng Midsayap PNP, aksidenteng nasabit sa live wire ang suot na jacket ng biktima resulta ng insidente , nangyari ito habang nasa tahanan ng kanyang pinsan sa poblacion 5 .


Samantala, patay rin ang isang farmer sa Midsayap matapos na magbigti gamit ang nylon wire.

Nakilala ang nasawi na si Namberto Calixto Renyon . Sinasabing dahil sa depresyon at problema ang naging dahilan ng pagpapatiwakal ng magsasaka .

Facebook Comments