Lalaki nalunod, patay nang kumasa sa patagalan sa tubig

62

Nauwi sa trahedya ang katuwaan lang sanang patagalan sa ilalim ng tubig, matapos malunod ang isang 27-anyos na kasali sa paligsahan.

Kinilala ang nasawi na si Vicente Patalinghug na pumunta sa isang pribadong beach sa Sibonga, Cebu City kasama ang mga kaibigan at kaanak para sana magsaya nitong June 24, kasabay ng pista ni St. John The Baptist.


Ayon sa awtoridad, bandang alas kwatro nang hindi na umahon sa tubig ang biktima matapos kumasa sa hamon, dahilan para mag-alala ang mga kaibigan at kaanak nito.

Natagpuan si Patalinghug matapos ang isang oras na paghahanap na naka-stuck sa ugat ng isang halaman sa mangrove area malapit sa pinaglanguyan ng pamilya.

Isang araw na ang nakalipas bago nakapag-imbestiga ang awtoridad dahil umano umaga na ng June 25 nang magtungo sa pulisya ang kapatid ng biktima para ipaalam ang insidente.

Lumabas sa paunang imbestigasyon na bahagyang nakainom na ang biktima bago lumusong sa tubig at sumali sa katuwaan na patagalan sa ilalim ng tubig.

Humingi rin daw ng tulong ang pamilya sa Sibonga police para sa pagpapa-autopsy ng katawan ni Vicente para malaman ang tunay na ikinamatay nito.

Facebook Comments

From Advertisers