Lalaki, namatay matapos ang 4 taon mula nang lasunin ng katrabaho

3766

Pumanaw na ang isang lalaki sa Germany makalipas ang apat na taon mula nang lasunin ng katrabaho at ma-comatose.

Kinumpirma ng korte sa Bielefeld, kung saan hinatulan ang salarin sa kaso nakaraang taon, ang pagkamatay ng 26-anyos biktima nitong Huwebes, ayon sa ulat ng dpa.

Sinintensyahan ng habambuhay na pagkakakulong ang suspek na kinilala lamang bilang Klaus O., 57, noong nakaraang Marso sa kasong attempted murder.


Napatunayang hinaluan ni Klaus ng lead acetate, nakalalasong sangkap na halos walang lasa, ang pagkain ng mga katrabaho na nauwi sa comatose ng isa, at matinding pinsala sa bato ng dalawa pa.

Dinakip ang salarin noong Mayo 2018 matapos makita sa surveillance video na nilalagyan niya ng kung anong pulbos ang sandwich ng isang katrabaho.

Nadiskubre rin ng awtoridad sa bahay ni Klaus ang ilang nakalalasong materyal gaya ng mercury, lead, at cadmium.



Facebook Comments