Arestado ang isang lalaking helper matapos na mangdekwat ng mga tindang delata sa isang tindahan sa Binmaley, Pangasinan.
Ayon sa report sa pulisya, nadiskobre umano ng may-ari na nanakaw ang ilang paninda nito matapos magsagawa ng inventory.
Nanakaw umano ang nasa dalawampu’t tatlong de lata, mga pakete ng sigarilyo na tinatayang nagkakahalaga ng nasa 5,590 pesos at 5,000 pesos cash.
Nakilala ang akusado sa pamamagitan ng mga saksi at ngayon ay nasa ilalim na ng kustodiya ng Binmaley MPS para sa tamang disposisyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









