Lalaki nasagasaan sa Pasig City, patay

24

Pasig City – Patay ang isang lalaki matapos masagasaan ng motorsiklo sa E. Rodriguez Sr. Ave. Pasig City kagabi.

Dead on the spot ang biktima na nakilalang si alyas Rambo na nasa 40 taong gulang.

Ayon kay Luiz Sarmiento ng Pasig Traffic and Parking Management binabaybay ng rider na si Romy Ting Jr. ang E. Rodriguez Sr. North Bound, ng biglang tumawid sa center island ang biktima.
Dahil mabilis ang takbo ng motorsiklo ay hindi nito napansin ang biktima kaya nasalpok ito.

Sa lakas ng impact, agad na nasawi ang biktima bunsod ng tinamong pinsala sa ulo at katawan.

Nasugatan din ang rider matapos tumilapon sa kanyang minamanehong motorsiklo.

Nabatid na maling tawiran tumawid ang biktima kaya paalala ng mga awtoridad na ugaliing sumunod sa batas trapiko upang hindi maaksidente.

Facebook Comments