LALAKI, NASAKOTE DAHIL SA KASONG CHILD ABUSE

Cauayan City – Himas-rehas ang isang lalaking magsasaka matapos itong dakpin ng mga awtoridad kahapon, ika-7 ng Hulyo sa lungsod ng Cauayan dahil sa kasong Child Abuse.

Sa nakuhang impormasyon ng IFM News Team sa Cauayan City Police Station, ang nadakip ang kinilalang si alyas “Mar”, 33 anyos, residente ng Brgy. Naganacan, Cauayan City, Isabela.

Nadakip ang suspek sa bisa ng mandamyento de aresto na inisyu ng korte sa kanya kung saan P80,000 ang inirekomendang halaga ng piyansa para sa pansamantalang kalayaan nito.


Samantala, matapos ang matagumpay na pagkakadakip kaagad na dinala sa himpilan ng Cauayan City PS ang suspek para sa dokumentasyon bago tuluyang ipasakamay sa korteng pinagmulan ng kanyang kaso.

Facebook Comments