Lalaki nasaksak patay sa bayan ng Makilala North Cotabato

Dalawang lalaki ang nagsaksakan dahil sa kalasingan at isa ang namatay na nangyari sa Purok 4, Brgy. Poblacion sa bayan ng Makilala sa lalawigan ng North Cotabato dakong alas 9:30 ng gabi noong Biernes
Kinilala ang namatay na isang Jubert Galaura Dahan, 40 anyod , kolektor ng isang lending company.
Habang ang suspek ay kinilalang si Darwin Osorio 30 anyos binata, walang trabaho residente ng Purok 24 sa nasabing bayan.
Sa report lango sa alak ang dalawa kung saan sinugod ng suspek ang biktima sa bahay ng kanyang ina hanggang sa nangyari ang pananaksak gamit ang kutsilyo.
Tatlong sugat sa katawan ang tinamo ng biktima na naisugod pa ito sa pagamutan ngunit binawian din ng buhay .
Mabilis namang tumakas ang suspek at patuloy na pinaghahanap ng mga otoridad.(Amer Sinsuat)

Facebook Comments