LALAKI, SINAKSAK DAHIL SA KOLEKSYON NG UTANG SA MANGALDAN

Isang lalaki ang nasugatan matapos saksakin ng kanyang kakilala sa bayan ng Mangaldan, Pangasinan.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, naganap ang insidente sa kahabaan ng national road sa Barangay Malabago matapos magkaroon ng mainitang pagtatalo ang biktima at ang suspek kaugnay umano ng pangongolekta ng utang.

Sa gitna ng alitan, biglang kumuha ng patalim ang suspek at sinaksak ang biktima sa kaliwang kilikili.

Agad namang isinugod ng pamilya ang biktima sa pagamutan sa Dagupan City para sa agarang lunas. Samantala, mabilis na tumakas ang suspek matapos ang pananaksak at kasalukuyang pinaghahanap ng mga awtoridad.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng Mangaldan Police upang makalap ang lahat ng ebidensiya at maisampa ang kaukulang kaso laban sa tumakas na suspek. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments