Nasugatan ang isang lalaki matapos umanong bugbugin ng kasamahan sa inuman sa bayan ng San Juan, Ilocos Sur kahapon.
Ayon sa pulisya, ang biktima ay 29-anyos mula sa Sto. Domingo, habang 21 taong gulang naman ang suspek na taga-San Juan.
Nangyari ang insidente habang nagkakantahan sila at nagbibiruan sa videoke.
Nag-ugat ang gulo nang agawin ng suspek ang mikropono at aksidenteng mahugot ang saksakan ng videoke.
Nagkaroon ng pagtatalo hanggang sa masuntok ng suspek ang biktima sa mukha.
Dinala sa ospital ang biktima para magpagamot at agad namang naaresto ng mga awtoridad ang suspek.
Facebook Comments









