LALAKI, NASAWI MATAPOS KITILIN ANG SARILING BUHAY

Cauayan City – Hindi na nakaligtas pa sa kamatayan ang isang lalaki mula sa lungsod ng Cauayan matapos nitong kitilin ang kanyang sariling buhay madaling araw nitong ika-5 ng Desyembre.

Ang nasawi ay kinilala sa pangalang Rick, 47-anyos, truck helper, at residente ng lungsod ng Cauayan.

Sa nakuhang impormasyon ng IFM News Team sa Cauayan City Police Station, bandang 1:30 ng madaling araw ay mismong ang asawa nito ang nakakita sa biktima na nakatali ang leeg at nakabitin sa isang puno sa tabi ng kanilang bahay.


Kaagad itong humingi ng saklolo sa mga opisyal ng barangay na sila namang tumawag sa himpilan ng Cauayan City Police Station at Rescue 922.

Samantala, lumalabas sa imbestigasyon ng mga kapulisan at ayon na rin sa kaanak ng biktima, hindi ito ang unang beses na tinangka ng biktima na kitilin ang sarili nitong buhay dahil sa kanyang karamdaman at mga nararanasang problema sa buhay.

Facebook Comments