LALAKI, NASAWI MATAPOS MALUNOD SA SAN JUAN BEACH SA LA UNION

Nasawi ang isang 17 anyos na binatilyo matapos malunod sa baybayin ng Urbiztondo, San Juan, La Union.
Ayon sa ulat, tinangay ng malakas na alon ang biktima habang lumalangoy kasama ang mga pinsan nito.
Inabot ng isang araw bago nakita ang katawan ng biktima sa dalampasigan.
Matapos ang insidente, umani ng negatibong komento sa nga netizens ang kawalan umano ng lifeguard sa bahagi ng dagat na isa sa dinadagsa ng mga turista.
Ayon naman sa MDRRMO, patuloy ang kanilang monitoring sa seguridad ng mga beachgoers katuwang ang PNP at Coastguard.
Samantala, pansamantala namang ipinagbawal ang pagligo sa San Juan Beach noong May 14 at wala pang tiyak na petsa kailan muli ito bubuksan sa publiko. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments