Isang 44-anyos na lalaki ang nasawi sa lungsod ng Dagupan matapos masabugan ng paputok sa pagsalubong ng bagong taon sa Barangay Bonuan Gueset Dagupan City.
Ayon sa report ng pulisya, nagdulot ng skull fracture ang pagsabog ng ginamit niyang five star bandang 12:20 ng madaling araw.
Agad siyang isinugod sa Region 1 Medical Center sa lungsod ngunit idineklarang patay bandang alas tres ng madaling araw.
Samantala, nakapagtala ang Region 1 Medical Center ng 18 kaso ng mga insidente na may kinalaman sa paputok.
Siyam dito ay mula sa Dagupan, apat mula sa San Fabian, dalawa mula sa San Carlos, dalawa sa Mangaldan, at isa mula sa Mapandan.
Patuloy namang nakaantabay ang mga ospital para sa posibleng pagdami pa ng mga kaso ng naputukan habang nagpapatuloy ang selebrasyon ng Bagong Taon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments