LALAKI, NASAWI MATAPOS SAKSAKIN SA BINMALEY, PANGASINAN

Nauwi sa trahedya ang dapat lamang sana’y pagbisita ng isang 22 anyos na lalake sa bahay ng kanyang kaibigan sa Binmaley, Pangasinan.

Sa panayam kay Binmaley Police Station PCpt. Maureen Grace Tarlit, nagkaroon ng pagtatalo sa pagitan ng biktima na nakilalang si Stevenson Rosario, residente ng Calasiao, at ang kapatid mismo ng kaibigan ni Rosario, na siya umanong naging motibo sa krimen.

Saksak sa dibdib, tiyan at likod ang natamo ng biktima na naitakbo pa sa pagamutan subalit namatay habang ginagamot.

Hindi umano narekober ang patalim na ginamit sa pananaksak kung kaya’t nahaharap ang suspek sa kasong Homicide at ngayon ay nasa kustodiya na ng pulisya.

Nagdadalamhati naman ang buong kaanak ng biktima at patuloy na sumisigaw ng hustisya sa sinapit nito. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments