LALAKI, NASAWI MATAPOS TAGAIN NG KANIYANG KUYA DAHIL SA UMANO’Y AGAWAN SA LUPA?

Nauwi sa trahedya ang hindi pagkakaunawaan ng magkapatid matapos mauwi sa pananaga sa San Carlos City, Pangasinan.

Sa imbestigasyon ng pulisya, nagtungo ang nakababatang kapatid sa sakahang umano’y pagmamay-ari ng kanyang kuya upang ito ay ihanda sa pagtatanim.

Sa panayam ng IFM News Dagupan sa imbestigador ng San Carlos City Police Station, na si PCpt. McKinley Mendoza, wala umanong permiso sa kuya nito ang kanyang pagpunta sa lugar kung saan dito na rin nagsimula ang bangayan ng dalawa na nauwi sa pananaga.

Agad na tumakas ang suspek natapos ang insidente ngunit nahuli sa isinagawang operasyon ng pulisya.

Haharap ang suspek sa kasong murder.

Hindi na nagbigay ng pahayag ang pamilya ukol sa insidente. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments