Nasawi ang isang 50 anyos na lalaking may kapansanan matapos umanong mahulog sa bangin sa Pugo, La Union.
Ayon sa kaanak ng biktima, hinala nila’y nahulog ang biktima sa bangin habang kumukuha ng dahon ng malunggay.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, tinatayang nasa 20 metro ang lalim ng kinahulugan ng biktima na nagresulta agaran nitong pagkamatay.
Nagtamo ng head injury ang biktima at dineklarang dead on the spot ng doktor.
Naniniwala tin ang pamilya na aksidente at walang naganap na foul play sa sinapit ng biktima ngunit sasailalim pa rin ang labi nito sa autopsy examination. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









