Natagpuang nakalublob sa tubig baha ang bangkay ng lalaking ito matapos umanong makuryente sa bahagi ng Downtown, Dagupan City.
Ayon kay Dagupan City PS, Investigation Officer PCAPT. Joy Salvador, nung una’y napagkamalan pa umano itong manika ng nakakita ngunit nang lapitan, dito na napag-alaman na katawan pala ito ng isang lalaki.
Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya, nakuryente ang lalaki sa isang street light roon.
Posible umanong nagmula ang kuryente sa isa sa natuklap na wire sa ilalim dahil wala naman umanong nakalaylay na kable ng kuryente sa insidente.
Wala naman nakitang foul play sa insidente.
Agad naman na nakipag-ugnayan ang awtoridad sa City Engineering Office ng lungsod gayundin ang electric company provider upang tignan at suriin ang naturang streetlight malapit sa insidente. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









