Patay ang isang lalaki matapos saksakin ng kapatid nito sa Bari, Mangaldan.
Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya, ginigising ng biktima ang suspek upang ipaalam na itinakbo sa ospital ang anak nito ngunit hindi nagustuhan ng suspek ang paggising sa kaniya.
Kaya nang makatulog na ang biktima saka na ito pinagsasaksak ng suspek.
Ayon sa nanay ng suspek at biktima na si Nanay ‘Flora’, lasing ang suspek nang gabing mangyari ang insidente at nasa impluwensya rin ng iligal na droga.
Nagtamo ng limang saksak sa kili kili, likod, at tiyan ang biktima.
Matapos itong pagsasaksakin, nakalabas pa ng bahay ang biktima ngunit nang makita ito ng suspek, pinaghahampas pa ito sa pader.
Samantala, nahuli rin ang suspek at ngayo’y nahaharap sa kasong homicide.
Nagpahayag naman ng paumanhin ang suspek, at iginiit na hindi niya umano sinasadya ang nangyaring pananaksak. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









