LALAKI, NASAWI SA PANANAKSAK NG KATRABAHO SA BUGALLON

Nasawi ang isang 52-anyos na lalaki matapos saksakin ng katrabaho sa loob ng kanilang barracks sa Brgy. Bolaoen, Bugallon, Pangasinan.
Kinilala ang suspek na isang 41-anyos na lalaki, isang construction worker. Sa panayam ng IFM News Dagupan kay Bugallon Police Station Duty PCO PLt. John Zacarias, sinabi nitong pumasok ang biktima sa barracks ng suspek kung saan nagkaroon sila ng pag-aaway.
Paglabas ng biktima, sinundan siya ng suspek na may dalang patalim at agad sinaksak sa sikmura.
Agad naitakbo ang biktima sa pagamutan, ngunit idineklarang dead on arrival.
Lumalabas na ang motibo sa krimen ay isang hindi pagkakaunawaan na dulot ng kalasingan.
Arestado ang suspek at haharap sa kasong Homicide.| 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments