LALAKI, NASAWI SA PANANAKSAK SA STA. BARBARA, PANGASINAN; SUSPEK, ARESTADO

Arestado na ng Sta. Barbara Police Station ang suspek sa pananaksak sa isang lalaki sa Brgy. Poblacion.

Sa panayam ng IFM News Dagupan kay Chief of Police PLtCol Michael Datuin, isang grupo ng nakainom na kalalakihan ang nagpunta sa lugawan nang makasalubong ang suspek.

Isang kasamahan ng grupo ang nagpatunog umano ng muffler na posibleng kinaiinisan ng suspek dahilan upang balikan niya umano ang mga ito.

Nag-usap pa ang dalawang panig ngunit nauwi sa sakitan nang batuhin sa ulo ng isa sa grupo ang suspek dahilan upang bumunot ng patalim saka sinaksak sa umaawat lamang na kasamahan.

Dinala pa sa pagamutan ang biktima ngunit pumanaw din.

Samantala, sa naging operasyon ng awtoridad, kinompirma ng opisyal na naaresto rin kalaunan ang suspek na dumepensa lamang umano sa pambabato sa kanya.

Nasa kustodiya na ng kapulisan ang suspek at posibleng maharap sa kasong Homicide. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments