LALAKI, NATAGPUANG DUGUAN AT WALANG BUHAY SA LOOB NG KANYANG BAHAY

Natagpuang wala ng buhay at naliligo sa sariling dugo ang isang lalaki sa Balungao, Pangasinan.

Ayon sa kakilala ng biktima, naudyukan umano itong bisitahin ang biktima sa bahay nito matapos umanong hindi tumugon sa kanyang tawag ngunit tumambad sa kanya ang insidente.

Sa inisyal na imbestigasyon, alas dyes ng gabi noong Agosto 9, nakarinig umano ng putok ng baril ang mga kapitbahay ng biktima ngunit ipinagsawalang bahala lamang nila ito.

Narekober sa crime scene ang anim na basyo mula sa calibre .45 na baril.

Patuloy pang imbestigasyon ng pulisya at SOCO Urdaneta City Forensic Unit upang matukoy ang suspek at motibo sa krimen. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments