LALAKI, NATAGPUANG PALUTANG-LUTANG SA LINGAYEN, PANGASINAN

Isang bangkay ng lalaki ang natagpuang palutang-lutang sa katubigan ng Barangay Balangobong, Lingayen, Pangasinan noong Oktubre 27, 2025.

Batay sa ulat ng pulisya, natagpuan ng isang mangingisda ang katawan habang sinusuri nito ang kanyang lambat. Agad niyang ipinaalam ang insidente sa mga opisyal ng barangay at kalaunan ay sa himpilan ng pulisya.

Ayon sa paunang imbestigasyon, ang biktima ay nakasuot ng itim na damit na may tatak na “SOLITUDE” at itim na pantalon. Tinatayang may taas na 5’3”, katamtamang pangangatawan, at maputi ang balat. Wala umanong nakitang palatandaan ng karahasan o panlabas na sugat sa katawan.

Dinala ang bangkay sa Lingayen Rural Health Unit 2 kung saan idineklara itong dead on arrival ng doktor. Patuloy pang inaalam ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng naturang lalaki. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments